Gatla ng Pag-ibig ( Tula)
Rey Tamayo, Jr.
Unang sumibol ang di matingkalang
ligaya. Nang ika’y aking nakada upang palad;
Sa isang sulok ng hardin ng pag-ibig
sa inyong puso. Ang mayumi mong ganda,
ang s’yang umakit sa aking natutulog na damdamin.
Ang iyong mga mata ay
sa likod ng iyong lambong. Mg matang nagbibigay ligaya.
Ang iyong labi nama’y waring pising
mapula.At ang iyong bibig ay kahalihalina.
Ang ang iyong pisngi’y kay inam na hadkan.
Waring sinisinta na bumaba sa kanyang
halamanan.Sa mga pitak na bulaklak na mangaaliw,
hangad ko’y pitasin ang iyong angking pagsinta.
Ngunit papaano ko ipararamdam twina
Ang marubdob kong paghanga sa’yo?
Kung itong dila ko’y umid kung magwika
tungkol sa pag-ibig. At yaring tinig ko ay nangangatal,
sa tuwing kaharap na ang maamo mong mukha.
Maibubulong ko na lamang sa hangin
ang aking pagmamahal .At hayaang ang malamyang ihip,
ang s’yang humaplos sa dalisay mong puso.
pagtingin. Nawa’y maging hagway sa yong damdamin.
Kamayhan ng aking pagkatao’y tila
bumalikwas. Nang ikaw ay aking nasilayan,
mundo kong kay lumid ay nagkaroon ng kulay.
Kaya’t lagi na lamang balisa itong pagal na
isip. At may taimtim na bumulong sa aking puso,
ito’y gatla ng pag-ibig sa dalaga.